Un Monologue :
The Trailer
Music | Art | Personal


Lec Alecxis. 19. Manila, PH. Bilingual. Inlove, always. I give free hugs.

Pisibiliti Istadis ni Lec.

Kakatapos ko lang gawin yung Financial part ng Feasib(ility) namin. PARTY LEC! Nakayanan ko siya, di ako makapaniwala. Biro lang, katulong ko ang nanay kong CPA. Pero hindi pa, di pa pwede. Sa Lunes pa namin malalaman ang hatol ni sir. Kahapon pa ko kinakabahan dahil sa Feasib na yan eh. Hindi ko na naasikaso yung Case Study ko, ayun, tuluyan na siyang tinubuan ng kabute at kamote sa alikabok niya dito. Tsaka pa lang siguro ako makakahinga ng maluwag kapag nalampasan na namin ang Defense against Dark Arts kay Dr. Dr. Engr. Engr. Professor Sir. Tipong aligaga na ko sa lahat ng bagay. Nawalan na rin ako ng gana kumain. Ni hindi rin ako makatulog. Ganito talaga ko ma-aligaga eh. Wala sa katinuan. Kelan nga ba ko tumino? Bueno, medyo ayos na ko at natapos ko na siya. Bale, edit-edit na lang bukas. YES! Kahit mga dalawang araw, makaka-petiks na ako kahit papano. Matapos lang talaga ‘tong Feasibility na ‘to. PARTY HARD NA! Goodluck teammates! Dasal lang. :)

2 years ago on September 29th, 2011 |8 notes